Tuesday, April 13, 2010

Bakit Kinahihiya ni Cong. Trisha Bonoan-David na sya ay kabilang sa LAKAS KAMPI-CMD?

Kung titingnan nyo sa website ng COMELEC (http://www.comelec.gov.ph/2010%20National_Local/2010%20candidates%20pdf%20files/NATIONAL%20CAPITAL%20REGION%20-%20MANILA.pdf) makikita nyo na ang partido ni Congresswoman Trisha Bonoan-David ay Lakas Kampi-CMD. Pero kung titingnan nyo mga posters nya ay walang nakalagay na partido dito. Di tulad ng karamihan ng mga pulitiko na nakalagay kung Nacionalista ba sila o Liberal o kung ano man ang partido nila.

Ayaw ba ng ating congresswoman na malaman ng mga tao na isa syang kaalyado ni Pangulong GMA? Na kung manalo ulit sya ay isa sya sa susuporta sa pagiging Speaker at Prime Minister ni PGMA? Huwag nyo na itago Congresswoman buking na kayo!

Sunday, April 11, 2010

Ang Init!

Habang tumatagal ang summer ay painit ng painit ang panahon. Nung isang araw ay nagtala ng record na 37 degrees C ang temperatura natin. Hindi ko alam kung iinit pa pagdating ng Mayo. Sobrang init kaya di ko masisisi ang mga tao kung tatambay sa mall pagdating sa hapon. Hindi naman kasi lahat kaya bumili ng air-condition at magbayad at kuryente.

Kaya ako ang remedyo ko ay naliligo ako ng tatlong beses isang araw para labanan ang init. Kaso tataas naman ang bill namin sa tubig. Hayyy buhay!

Thursday, April 8, 2010

Ano Ba Na Naman Ito Congresswoman Bonoan-David?


Nagsusurf ako ng internet nang makita ko na naman ang pangalan ng ating kongresista na si Trisha Bonoan David. Puntahan nyo po ito sa internet: http://www.tribuneonline.org/metro/20100316met1.html .

Ayon sa balitang ito nasasangkot na naman sa isang anomalya itong congresswoman natin. Grabe na to! Garapalan na to! Nakakaisang termino palang sya ang dami na nyang kalokohan! Nakalagay sa balita na 55 million pesos ginastos sa kalahating kilometro na J. Fajardo St. dito sa Sampaloc. Kalahating kilometro - 55 million! Wow! May mga diamante ba yang kalsada na yan?

Sa unang basa ko sa balitang ito ay kala ko ay baka sinisiraan lang sya ng mga kalaban sa pulitika pero may ebidensya ang mga ito kaya siguradong hindi ito paninira. May pirma pa ito ng Budget Secretary ni GMA. Ayon sa balita:

"A copy of the SARO (Special Allotment of Release Order) was issued by Department of Budget and Management duly signed by Secretary of Budget and Management Rolando Andaya dated Dec. 6, 2007.

The SARO states the funding of Public Works and Highways OSEC-North of Manila District Engineering Office-District 1V project which are the upgrading of/concreting with drainage improvement of J. Fajardo Street consisting of Phase-1, M. De la Fuente Street to Craig Street, Manila that cost P 16,047.000 and Phase II, M. De la Fuente Street to M. Earnshaw Street, Manila costing at P12,309,000; and the upgrading and concreting with drainage improvement of M. De la Fuente Street to Loyola Street to Honradez Street, Manila worth P6,644,000.

The total price for the SARO project was a total of P45 million.

A second SARO signed on March 28, 2008 comes from appropriation source of Fiscal year 2008 budget under (RA 9401 as re-enacted) which covers the upgrading of concreting with drainage improvement of J. Fajardo from A.H. Lacson- M.Earnshaw Street, Sampaloc, Manila with a total contract price of P10,000,000, all in all of the two SAROs had a project total of P55 million.

The P55 million SARO translated to a half kilometer road which more expensive than the infamous Diosdado Macapagal Highway in ParaƱaque Metro Manila."

Samakatuwid, MAS MAHAL PA PALA ITONG KALAHATING KILOMETRONG J. FAJARDO KESA JAN SA MACAPAGAL HIGHWAY! Mas matindi pa pala si Congresswoman kesa kay Pangulong GMA!

Ang nakakainis dito ay kaming mga ordinaryong mamamayan ng Sampaloc ay kumakayod araw-araw para mapakain at mapag-aral ang aming mga anak pero si Congresswoman isang pitik lang ay limpak limpak na salapi na! Hindi man lang nya inisip ang mga taong naghalal sa kanya. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga pulitikong tulad ng ating Congresswoman.

Wednesday, March 24, 2010

Manila Mayoral Race 2010

Ayon sa COMELEC, pito ang kandidato para sa pagka-mayor ng ating Lungsod ng Maynila pero tatlo lang ang aking kilala - sila Mayor Alfredo Lim, dating mayor na si Lito Atienza at si dating PNP chief na si Avelino Razon. Namimili nalang po ako between Mayor Lim at kay Razon pero malamang ay si Mayor Lim ang aking iboboto. Sa pagka bise-alkalde naman ay siguradong panalo na si Isko Moreno kasi di naman masyado kilala ang kanyang kalaban na si Bonjay Isip.

Kahit sinong ilagay mo sa pwesto, kung hindi naman makikiisa ang sambayanan ay wala rin mangyayari. Hindi sa pinuno nakasalalay ang ating kinabukasan kundi sa ating mga sarili. Ang pinuno lang naman ang mag-gagabay sa ating mga sambayanan.

Tuesday, March 23, 2010

Ang Aming Congresswoman Trisha Bonoan-David Nasasangkot sa Anomalya


Nagbabasa ako ng dyaro noong Marso 15 nang makita ko sa headline ng People's Taliba ang ating kongresista ng Sampaloc na ni Trisha Bonoan-David. Pinasususpinde umano sya dahil sa paggamit ng pondo ng DSWD sa pamumulitika. Ito ay labag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act 3019 at "malversation of public funds".


Nakakalungkot ang ganitong pangyayari dahil kung titingnan mo ang mga posters ni Cong. Trisha Bonoan-David ay mukha syang anghel sa mga ito. Ayun pala ay kabaligtaran sya. Kung totoo ang balitang ito, ang kapal naman ng mukha nya na gamitin ang pondo ng DSWD para sa sariling kapakanan. Pagnanakaw na yan sa pondo ng gobyerno. Kaya sa darating na election hinding-hindi makaasa sa aking boto yang si Cong. Bonoan-David. Nakikiusap din ako sa inyo na huwag iboto ang ganitong mga klaseng pulitiko.

Saludo ako sa mga nagsampa ng reklamo dahil di biro ang banggain ang isang congressman tulad ni Bonoan-David. Kahanga-hanga ang pinakita nilang tapang at pagmamalasakit sa kanilang kapwa mamamayan ng Sampaloc.

Election na naman!

Napapansin ko na padami ng padami na naman ang mga posters ng mga kandito para sa national at local elections. Nagsimula na ang campaign period sa national level at sa local naman ay magsisimula sa Biyernes, March 26, 2010.

Sana naman ay gamitin natin ang ating utak at bumoto ng marangal at maaasahan na kandidato. Hindi porket maganda ay dapat iboto, hindi porke artista ay dapat iboto. Magkaisa tayo para tuluyang makaahon na ang ating bayan sa kahirapan.

Dating superpower ng Asya ang Pilipinas, ngayon ay kapantay o nahihigitan pa tayo ng ibang bansa tulad ng Vietnam. Kaya pakiusap natin ay pumili tayo ng tamang mga leaders sa national man o sa local na level.