Nagsusurf ako ng internet nang makita ko na naman ang pangalan ng ating kongresista na si Trisha Bonoan David. Puntahan nyo po ito sa internet: http://www.tribuneonline.org/metro/20100316met1.html .
Ayon sa balitang ito nasasangkot na naman sa isang anomalya itong congresswoman natin. Grabe na to! Garapalan na to! Nakakaisang termino palang sya ang dami na nyang kalokohan! Nakalagay sa balita na 55 million pesos ginastos sa kalahating kilometro na J. Fajardo St. dito sa Sampaloc. Kalahating kilometro - 55 million! Wow! May mga diamante ba yang kalsada na yan?
Sa unang basa ko sa balitang ito ay kala ko ay baka sinisiraan lang sya ng mga kalaban sa pulitika pero may ebidensya ang mga ito kaya siguradong hindi ito paninira. May pirma pa ito ng Budget Secretary ni GMA. Ayon sa balita:
"A copy of the SARO (Special Allotment of Release Order) was issued by Department of Budget and Management duly signed by Secretary of Budget and Management Rolando Andaya dated Dec. 6, 2007.
The SARO states the funding of Public Works and Highways OSEC-North of Manila District Engineering Office-District 1V project which are the upgrading of/concreting with drainage improvement of J. Fajardo Street consisting of Phase-1, M. De la Fuente Street to Craig Street, Manila that cost P 16,047.000 and Phase II, M. De la Fuente Street to M. Earnshaw Street, Manila costing at P12,309,000; and the upgrading and concreting with drainage improvement of M. De la Fuente Street to Loyola Street to Honradez Street, Manila worth P6,644,000.
The total price for the SARO project was a total of P45 million.
A second SARO signed on March 28, 2008 comes from appropriation source of Fiscal year 2008 budget under (RA 9401 as re-enacted) which covers the upgrading of concreting with drainage improvement of J. Fajardo from A.H. Lacson- M.Earnshaw Street, Sampaloc, Manila with a total contract price of P10,000,000, all in all of the two SAROs had a project total of P55 million.
The P55 million SARO translated to a half kilometer road which more expensive than the infamous Diosdado Macapagal Highway in ParaƱaque Metro Manila."
Samakatuwid, MAS MAHAL PA PALA ITONG KALAHATING KILOMETRONG J. FAJARDO KESA JAN SA MACAPAGAL HIGHWAY! Mas matindi pa pala si Congresswoman kesa kay Pangulong GMA!
Ang nakakainis dito ay kaming mga ordinaryong mamamayan ng Sampaloc ay kumakayod araw-araw para mapakain at mapag-aral ang aming mga anak pero si Congresswoman isang pitik lang ay limpak limpak na salapi na! Hindi man lang nya inisip ang mga taong naghalal sa kanya. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga pulitikong tulad ng ating Congresswoman.
Ako taga P. Margal St. at malapit nakatira kila Congresswoman David. Nakakahiya sya! Kapitbahay pa naman namin sya!
ReplyDeletehay. ang dami talagang milagrong ginagawa kapag nasa posisyon ang isang ganid na tao. sabihin na nating mataas na ang presyo ng mga materyales ngayon pero hindi naman siguro aabot ng milyon milyon yang project na yan. graaaabe na yan ha! eh kung pinatayuan nyo na lang ng ilaw yung mga madidilim na kalye dito sa sampaloc para mabawasan ang mga holdapper. mas may kabuluhan pa! ayaw na namin sa mga palakad mo!
ReplyDeleteWalang kwenta yang si Bonoan-David. Panahon ng Ondoy kailangan namin sya, pero nasa ibang bansa daw sya ayon sa staff nya, nagbabakasyon! Saka napansin ko mga scholars nya ay puro anak ng brgy. chairman at mga kagawad. Pano naman kung hindi ka kamaganak ng opisyal? Pano naman ang mga ordinaryong mamamayan?
ReplyDeleteNabasa ko ang newsletter na pinapakalat ni Bonoan at nakalagay dun na si Bacani daw ang may proyekto ng J. Fajardo St. Pero may ebidensya ako nakita na ang mga SARO ay dated Dec 2007 at March 2008 na pwede hingin ang kopya sa Department of Budget (public document po ito kaya pwede mag request ng copy). Si Bonoan ay umupo noong June 30, 2007, tapos sasabihin nya project ito ni Bacani? Wow ang lakas manira ni Bonoan!
ReplyDeleteGuys comment lang, nabasa ko din yang pinamumudmud ni Bacani na letter...
ReplyDeleteaccording dun sa budget receipt yung 45M for fiscal year 2007...
anayze nga natin, kelan ba naupo si congw. trisha bonoan, di ba mga june na ata ng year 2007...
sa tingin nyo pag budget ng fiscal year 2007, kanino kaya pondo mpupunta yun, di ba sa incumbent ng pagpasok ng taong 2007...
Eh sino ba incumbent di ba si EX-Cong. Rudy Bacani...at contractor asawa nyan, malamang hati pa sa budget yun...hehehe
Eh di malinaw na siya ang kurakot at hindi si Bonoan ang sinungaling....
Mga taong madaling maniwala lang ang mapapaikot ni Bacani sa Black propaganda na iyan..
kasi kung di yan black prop, mangangampanya ka, dahil pulyetos mo at plataporma mo pinamimigay , HINDI dapat kasiraan ng kalaban mo, para mo na rin inamin na desperado ka, di ba...
alam ko fiscal year 2008, yun ang kay congw Bonoan..
Malinaw na Project talaga ni Bacani yun.
BACANI KURAKOT, MAPANIRA AT SINUNGALING
sayang noh, Bishop pa naman lahi nila, niyuyurakan niya ang pagka bishop
at isa pa kasing gaspang na ng ugali ni rudy bacani yang palamura at nagssabi ng patay gutom na yan na si Butch, isa kaya kami sa napag sabhn nyan na patay gutom daw, Haler hindi NOH..
kaya kung bbalik yang Rudy bacani na yan mag icp icp na kayo noh..
All he's doing is black prop and bribe sa brgy officials,
eh may payroll ba naman, swelduhan mga brgy officials na didikit kanya at hindi lang yun, bali-balita win or lose daw may 100Thou mga chairmen at chairwomen na nasa panig nya
nakakatakot, kasi masyado desperado makabalik, bakit kaya? eh di kasi kurakot ulit
opinyon ko yan...
Paano magiging project ni Bacani ang J. Fajardo? Si GMA noon galit kay Bacani dahil sa pagboto nya for impeachment of GMA. Paano maapprove ng Department of Management ang pondo na 55 million pesos kung si Bacani ay di kaalyado ni GMA? Common sense lang po!
ReplyDeleteSUS. Eh si bonoan nga nagpatawag ng mga residente ng district 4. pinapunta sa MAX restaurant para dun magpamudmod ng pera. pinangako nya 300. nung nakita nung mga tao 100 lang yung nakalagay sa sobre. ang dami pang nasira dun sa restaurant kasi sobrang dami ng tao na gusto makakuha ng pera dahil sa hirap ng buhay. mga tauhan nya yung nagpamigay kahapon. sana hindi naman gamitin ng mga politiko yung pagkagipit ng mga tao para mabili yung boto nila. nakakahiya kayo!!!
ReplyDelete