Tuesday, March 23, 2010

Ang Aming Congresswoman Trisha Bonoan-David Nasasangkot sa Anomalya


Nagbabasa ako ng dyaro noong Marso 15 nang makita ko sa headline ng People's Taliba ang ating kongresista ng Sampaloc na ni Trisha Bonoan-David. Pinasususpinde umano sya dahil sa paggamit ng pondo ng DSWD sa pamumulitika. Ito ay labag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act 3019 at "malversation of public funds".


Nakakalungkot ang ganitong pangyayari dahil kung titingnan mo ang mga posters ni Cong. Trisha Bonoan-David ay mukha syang anghel sa mga ito. Ayun pala ay kabaligtaran sya. Kung totoo ang balitang ito, ang kapal naman ng mukha nya na gamitin ang pondo ng DSWD para sa sariling kapakanan. Pagnanakaw na yan sa pondo ng gobyerno. Kaya sa darating na election hinding-hindi makaasa sa aking boto yang si Cong. Bonoan-David. Nakikiusap din ako sa inyo na huwag iboto ang ganitong mga klaseng pulitiko.

Saludo ako sa mga nagsampa ng reklamo dahil di biro ang banggain ang isang congressman tulad ni Bonoan-David. Kahanga-hanga ang pinakita nilang tapang at pagmamalasakit sa kanilang kapwa mamamayan ng Sampaloc.

9 comments:

  1. nakita ko nga rin yang headline na yan. umuwi lang ako saglit sa bahay para ilapag yung laundry. bumalik ako para bumili nung dyaryo. aba. sabi nung manong eh binili na daw lahat ng kopya. pati yung sa manong na katabi nya.binili lahat nung naka uniform pa daw na mama. hay. mukhang ayaw maipabasa yung mga kalokan nyang trisha bonoan na yan

    ReplyDelete
  2. puro posters lang nakikita! wala naman akong naramdamang pagbabago. nalubog pa ang sampaloc sa baha dahil sa mga pinag gagagawa nya. hindi naman kami binabaha dati. haaaaaaaaaaaaay!

    ReplyDelete
  3. tama ka jan marie! sa amin dati wala rin baha nung panahon nila Bagatsing at Bacani. pero nung pinaayos ni congresswoman yung kalye namin, lalong binaha! walang naman sira ang kalye pero pinakialamanan. bakit kaya?

    ReplyDelete
  4. para lang siguro may masabing nagawa yang si bonoan. kung ano ano na lang pinapakialaman. sana yung gawin nya eh yung may katuturan.

    ReplyDelete
  5. isa p rin korakot yan mga dting congressman n binibida nio ...ndi nga nla pnaalam d2 s street nmin n my iskolarship pla nung pnahon nila..konte lng nka2alam nun..tpOs ang hirap p mkakuha nun nung cla p ung congressman..kya wg nio husgahan c bonoan kc xia pnagka2lat nia ung skolarship...2o million kya mga skolar nia..at mrmi d2 smin n mahi2rap ang kbilang dun s 20 million n un...mrami xia n22lungan...plabas lng lhat yan....gs2 lng nla maupo s pwesto at cla ang mgu2rakot..kwa2 kmi mga skolar n mhirappag ntalo c bonoan....

    ReplyDelete
  6. 20 Million ang scholar ni Bonoan? hahahahaha. Eh wala ngang 20 million ang populasyon ng Maynila eh! hahahahahahahaha

    ReplyDelete
  7. eh may friend nga ako. scholar din ni bonoan. binigyan ng cheke pero pag inencash yung check, kalahati lang yung napunta sa kanya. yung kalahati kinuha din nung tao ni bonoan. tama ba yun?! yung ate ko, nakapasok dun sa summer computer training ni bacani. walang bayad.naging magandang foundation yun para sa course nya nung college. ngayon eh maganda na yung trabaho nya. working as a senior QA sa isang international computer software company. Hindi kami sumasama sa campaign ni bacani. pero malaki ang pasalamat namin sa kanya. hindi man nya kami kilala personally eh makakaasa sha na sha ang susuportahan namin ngayong may 10.

    ReplyDelete
  8. kami din binabaha na simula ng pkialamanan ung kalsada,,ngkautang tuloy ako sa opisina para pataasan ang bahay namin dhil binabaha na kmi...

    ReplyDelete
  9. update lng po para sa forum na to..kakagaling ko lng po sa opisina ni bonoan sa city hall manghihingi sana ako ng tulong medikal..sarado po ang opisina nya at may nkapagsabi smin na vendor dun sa tapat ng opisina nya na sa miguelin dapitan daw po ako pmunta tga dun sya at alam nya na may opisina si bonoan dun..pmunta po kmi ng asawa ko sa dapita miguelin at nakita nmin ung bldg na sinasabi..meron kmi nakausap na mama at tinuro kmi sa maceda at kami nmn ay nagpunta.. pagdating nmin dun eh prang di opisina. ung sofa sa recievers area ay punit punit na at walang katao katao pero may nkalagay na papel sa pinto na on going ang free training nila para sa gustong mag callcenter tuwing monday at tuesday 1-5pm ata pero ni isang tao wala! eh ala una po un ksi sinakto ko ng ala una dhil naisip ko may lunch break! tas bumalik ksi sa miguelin at nagtuturuan mga tao dun kung san kmi ppunta at wala daw staff si bonoan dun pero may nakalagay sa pinto na tanggapan ni bonoan un at andaming tao sa loob!!ibig sabihin ung mga tao na nsa loob ng tanggapan ni bonoan eh di nya pla staff??? kung ganon eh sino mga un at bkit nsa loob ng opisina ni trisha?? at pagkatapos may lumapit smin at mataray ang approach na di daw mahagilap ang mga staff ni bonoan balik nlng daw kmi sa july?? ano un??? PAG ELEKSYON ANG SISIPAG MAGPAKITA TAS PAG NAHALAL NA NOWHERE TO BE FOUND AT PARA PANG TIMAWA NA NANGHIHINGI NG TULONG SA KNILA SAMANTALANG OBLIGASYON NILA NA TUMULONG SA CONSTITUENTS NILA?? ALAM KAYA NI TRISHA YAN???

    ReplyDelete