Wednesday, March 24, 2010

Manila Mayoral Race 2010

Ayon sa COMELEC, pito ang kandidato para sa pagka-mayor ng ating Lungsod ng Maynila pero tatlo lang ang aking kilala - sila Mayor Alfredo Lim, dating mayor na si Lito Atienza at si dating PNP chief na si Avelino Razon. Namimili nalang po ako between Mayor Lim at kay Razon pero malamang ay si Mayor Lim ang aking iboboto. Sa pagka bise-alkalde naman ay siguradong panalo na si Isko Moreno kasi di naman masyado kilala ang kanyang kalaban na si Bonjay Isip.

Kahit sinong ilagay mo sa pwesto, kung hindi naman makikiisa ang sambayanan ay wala rin mangyayari. Hindi sa pinuno nakasalalay ang ating kinabukasan kundi sa ating mga sarili. Ang pinuno lang naman ang mag-gagabay sa ating mga sambayanan.

Tuesday, March 23, 2010

Ang Aming Congresswoman Trisha Bonoan-David Nasasangkot sa Anomalya


Nagbabasa ako ng dyaro noong Marso 15 nang makita ko sa headline ng People's Taliba ang ating kongresista ng Sampaloc na ni Trisha Bonoan-David. Pinasususpinde umano sya dahil sa paggamit ng pondo ng DSWD sa pamumulitika. Ito ay labag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act 3019 at "malversation of public funds".


Nakakalungkot ang ganitong pangyayari dahil kung titingnan mo ang mga posters ni Cong. Trisha Bonoan-David ay mukha syang anghel sa mga ito. Ayun pala ay kabaligtaran sya. Kung totoo ang balitang ito, ang kapal naman ng mukha nya na gamitin ang pondo ng DSWD para sa sariling kapakanan. Pagnanakaw na yan sa pondo ng gobyerno. Kaya sa darating na election hinding-hindi makaasa sa aking boto yang si Cong. Bonoan-David. Nakikiusap din ako sa inyo na huwag iboto ang ganitong mga klaseng pulitiko.

Saludo ako sa mga nagsampa ng reklamo dahil di biro ang banggain ang isang congressman tulad ni Bonoan-David. Kahanga-hanga ang pinakita nilang tapang at pagmamalasakit sa kanilang kapwa mamamayan ng Sampaloc.

Election na naman!

Napapansin ko na padami ng padami na naman ang mga posters ng mga kandito para sa national at local elections. Nagsimula na ang campaign period sa national level at sa local naman ay magsisimula sa Biyernes, March 26, 2010.

Sana naman ay gamitin natin ang ating utak at bumoto ng marangal at maaasahan na kandidato. Hindi porket maganda ay dapat iboto, hindi porke artista ay dapat iboto. Magkaisa tayo para tuluyang makaahon na ang ating bayan sa kahirapan.

Dating superpower ng Asya ang Pilipinas, ngayon ay kapantay o nahihigitan pa tayo ng ibang bansa tulad ng Vietnam. Kaya pakiusap natin ay pumili tayo ng tamang mga leaders sa national man o sa local na level.